Tuesday, February 5, 2008

re: Keepsakes of Em, Bee & Ess


How to resign

My mind was wondering for awhile, drifting my thoughts to whether or not I file a resignation letter or not. The question, "Do I really want to leave or not?" is bothering me lately. But one thing that I'm pretty sure of, I'll be missing mbs when I finally decided to leave. The finality of my decision will be so soon, and I am already feeling the pain of leaving the company, which I served for more than a year already.

As I was thinking about this, there's something that reminded me most about my stay in mbs tek. It was the first post I've written about MBS TEK. I made it last year and now I'm re-posting it here so I could somehow reminisce of what it takes to be a part of MBS Tek.

Isang umaga sa pantry, kung saan kalansing ng mga tasa't kutsara'y pumapawi sa mga naiidlip pang ispirito. Sabayan pa ng halakhakan na sadyang panghimagas na nga yata ng karamihan dito. 'Yun bang sa simpleng kwento lng matatawa ka na, o baka naman kaya ay sa hitsura ka nya natatawa? Kumusta naman 'yun? Ewan natin, pero ayos na rin basta lang may mapagusapan. Ehersisyo man lang kahit hindi sating mga pangagatawan, kundi sating mga bunganga.

Ang sarap sanang matulog sa mga oras na ito, alas otso pa lng ng umaga at heto tayo parang nakikipagbaka sa tikatik ng hay-tetch na makinilya. Di mawari kung anong sisimulan. "Di bale na, kusa na lang aagos ang ideyang halos balot na ng grasa," ani konsensya. Pero bago ang lahat, dahil sa ako'y hindi na nakapaghigop man lang ng kape sa aming barong-barong, patikim naman ng brewed coffee ni em, bee at ess...

Ewan ko ba at parang kinakabog ang dibdib ko. Di ko mapagtanto kong ito ba'y kabog talaga ng dibdib o sikmura ko lng na kumakalam na sa sobrang gutom. Pwera usog sa may sibang dyan. Laking takot ko tuwing sasakay ako sa dyip, malay ko ba ma-sibang ako. L*ntek na di ko alam ang tagalog ng terminong yan eh. Basta yun na yun. Naalala ko noon, nasa murang edad pa lamang ako. Nakaramdam ako ng sobrang sakit ng tiyan. Di lang 'yun...alam mo ba yung pakiramdam ng na-i-L? Ay sensya na naiwan yung BM. Iyon! LBM pala. Naku! Kung alam mo lang na para akong natatae na pinagpapawisan ng malamig. Hay, ayoko ng balikan pa ang mga panahong iyon...

Balik tayo sa brewed coffee ni em, bee at ess. Dahan-dahan kong tinahak ang pantry, halos katabi lang naman iyon ng aming pugad. Bitbit ang kulay puti kong mug na me kasama pang kutsara, nang aking silipin ang...teka, ano nga ba ang tawag nito? ayan o sa baba nito...

keepsakes ni em, bee at ess

Sila ang tinatawag kong "keepsakes ni em, bee at ess". Heto na kinabog na naman ang dibdib ko ng keepsakes na ito. Siguro'y nanabik na kayong malaman kung ano nga ba ang ibig sabihin ng kabog na ito...

Halikayo at ibubulong ko sa inyo...

"Minsan isang araw, at gaya ng nakagawian hindi na naman ako nakapaghigop ng kape sa aming barong-barong. Pagdating ko sa pugad ni Em, Bee at Ess, dali-dali kong tinahak ang pantry, sinilip ang laman ng keepsakes ni Em, Bee at Ess. Hulaan niyo ang nakita ko....naks! galing mo tsong! sakto! exactly! nakusit mo nanggad (lengwahe ni halley)...

Ang nakita ko ay si Wala! Wala wala wala akong nakita! paksy*t!

Isang araw naman, siguro naawa si Em, Bee at Ess kasi laking gulat ko may laman na ang keepsakes ni Em, Bee at Ess...heto naman hulaan niyo?

tadaaaan....Kape! Coffee! L*ntek na...

Subukan mo ngang higupin yan ng walang asukal! gawin kong pulbos 'yan sa pagmumukha mo eh!

Natakot siguro sa banta ko, isang umaga talagang may laman na ang keepsakes ni Em, Bee at Ess. Asteeeg! Kumpleto ang laman. May creamer sa keepsake #1 (iyong bang may takip na dugyuting platito?), sa keepsake #2 naman nakalagay ang asukal (eto naman yung may takip na transparent na plastic container, yung bang pang salad?) ewan ko kung sinong may mabuting kalooban na nagdoneyt noon, at sa keepsake #3 naman nakalagay ang kape (buti na lang hindi pa inaanay ang takip nito)...

Ayan napaghalo ko rin ang pinakamimithi kong creamer, kape at asukal. Pagkatapos, tinulak ko yung gatilyo na kulay pink at bumuhos na ang tubig. Hinalo halo ko yung coffee with creamer ng hawak kong kutsara habang nglalakad pabalik sa aming pugad. Sa aking pag-upo parang sabik na hinigop ko ang tinimpla kong kape...

"Pweeeee!!!" napangiwi ako! Isa pa ngang paksy*t dyan! Para malaman mo, hindi mapait yung timpla ko, hindi rin matamis. Tama lang yung pagkakatimpla...Tae! Hulaan mo nga ulit kong anong deperensya nito?

Iyong intensyon na magpainit ng sikmura ay naging isang malameeeeg na kape! Hindi ako namali ng pagtulak ng gatilyo. Pink yun! Pero ang tanong, bakeeet malameeeg kang lint*k na kape ka?!!

If my memory serves me right, I found that avatar on my visitors widget a day after I posted this entry. I imagined how he reacted when he read it and it made me laugh, really. So the next thing that had happened, presto! We had a new set of canisters at the pantry. And not just that, we have complete stocks of coffee, creamer and sugar...A round of applause to whoever acted on that matter...hehehe!

Now, let's go back to my emo-mode...

If my question then is, "bakeeet malameeeg kang lint*k na kape ka?!!", at this point, I am yelling at myself with this question, "I resign or I resign?"

2

0 comments: